COCO NAGALIT SA ISYUNG NANGANAK NA SI JULIA ABROAD?

LOURDES C. FABIAN(NI LOURDES C. FABIAN)

IBA’T IBANG versions ang naglalabasan. Hindi na alam kung ano ang paniniwalaan sa isyung nanganak na si Julia Montes at si Coco Martin ang ama ng sanggol.

Pero imbes na ikatuwa ni Coco ang paglabas ng balita ay ikinagalit umano niya ito. May chikang mainit daw parati ang ulo ni Coco sa set ng “Ang Probinsyano” nang lumabas ang balitang ito.

Pansin daw ng mga kasama sa set na mukhang umigsi ang pasensya nito at madalas di mapigilan ang galit samantalang dati-rati ay napaka-cool lang daw nito at maunawain.

Ang ipinagtataka ng mga netizens ay kung bakit nagagalit si Coco at saan nanggagaling ang galit niya.

Hindi naman daw kailanman nakasira sa imahe ng isang action star ang pagkakaroon ng anak.

Allegedly, the reason for the actor’s temper ay dahil may iba na raw babaeng nagpapatibok sa kanyang puso at natatakot itong ang isyu tungkol kay Julia ay baka makasira sa bagong relasyon. Malakas ang bulong-bulungan sa Kapamilya Network na ang pumalit kay Julia sa buhay ni Coco ay ang leading lady nito sa “Ang Probinsyano” na si Yassi Pressman.

Although sa huling panayam kay Yassi ay mariin niyang itinanggi na wala siyang kinalaman sa kung ano man ang namamagitan kina Coco at Julia. The actress said she was close to her co-star and considers him “a really good friend.”

Hanggang doon lang daw talaga sila ni Coco.
Despite rumors linking the two, Coco and Julia have never confirmed being in a relationship. Kaya wait na lang tayo. Huwag na natin silang pangunahan.

137

Related posts

Leave a Comment