HIGIT sa P1 milyong na sinasabing ipambibili ng boto ang natagpuang abandonado sa Barangay Dapiwak, bayan ng Dumingag town sa Zamboaga del Sur.
Nakalagay ang P1.056 milyon sa isang paper bag sa tabi ng abandonadong bahay bago magtanghali nitong Sabado.
Sinabi sa report na isang hindi nagpakilalang phone caller ang nagpaabot hinggil sa mga umaaligid na kalalakihan sa lugar bandang alas-9 ng umaga, ayon kay 1st Lt. Abner Pilando, commander ng Alpha Company.
Sinabi pa ng caller na ginugulo umano sila ng mga armadong kalalakihan dahilan para humingi na sila ng tulong sa militar.
Nang makitang nagresponde ang mga sundalo ay nagkanya-kanyang takbo na ang mga armado.
Nakuha ng mga sundalo ang paper bag at listahan ng mga posisyon na pagbibigyan ng pera sa eleksiyon kabilang ang mga chair ng Board of Election Canvassers (BEC), miyembro nito, CVO head, CVO members at poll watchers.
Ang nabawing pera ay dadalhin sa Dumingag Municipal Police Station habang inaalam pa kung saan galing ang pera at sino ang nasa likod nito.
254