IDARAOS ang special elections sa Barangay Dicamay 1 sa Jones, Isabela sa May 20
upang ituwid ang epekto ng vote-counting machine (VCM) na sinunog noong Martes.
Nitong Sabado, inaprubahan ng Comelec en banc ang resolusyon na nagpapahintulot ng special elections sa Clustered Precinct No. 18 — precinct numbers 0037A, 0037N, 0038A, 0038B at 0038P1 — ng Barangay Dicamay I.
Sinabi ni Comelec Director Frances Arabe na ang nasunog na VCM ay naglalaman ng 1,000 boto na posibleng makaapekto sa resulta ng local candidates at party-list representatives.
Samantala, sa mga sinunog na VCMs sa San Pablo, Zamboanga del Sur, sinabi ni Arabe na hindi na umano ito gagawan ng special elections dahil nasa 400 lamang ang laman ng boto at hindi umano makaaapekto sa standing ng bilangan.
152