IDEDEKLARA sa ilalim ng state of calamity ang Oriental Mindoro kasunod ng pagbayo ng bagyong Tisoy sa lalawigan.
Sinabi ni provincial disaster office head Vincent Gahol na pahihintulutan ng local government na gamitin ang emergency funds sa mga nasirang pananim.
“Nakalulungkot kasi akala po namin kahapon wala kami masyadong pinsala. Kaya lang po nung pumasok po ‘yung mga reports sa amin kagabi ay kailangan po namin magdeklara ng state of calamity ngayong araw,” sabi nito sa DZMM.
“Na-damage kasi ‘yung aming mga palayan, pinasok ng tubig-baha. ‘Yung atin pong saging, mga high value crops na pinagkukunan po ng pangkabuhayan ng ating mga kababayan talaga pong dapang-dapa dahil sobrang lakas ng hangin at ulan na binigay ni Tisoy.”
Naiwan ng bagyong Tisoy ang dalawa katao sa lalawigan.
Nawalan ng kuryente maging sa kalapit na Occidental Mindoro.
Maaari nang daanan ang Oriental Mindoro national highway ngunit hindi pa ang provincial roads dahil sa mga punong natumba ang nakaharang pa sa daan.
Nasa 19,000 katao ang lumikas sa kanilang tahanan sa Oriental Mindoro at 7,880 naman sa Occidental Mindoro ang nakatakdang bumalik na sa kanilang mga bahay.
209