LIMANG sundalo ang patay habang lima pa ang sugatan matapos ang dalawang oras na bakbakan sa pagitan ng government troops at mga hinihinalaang miyembro ng Abu Sayyaf Group sa Patikul, Sulu Sabado ng tanghali.
Sinabi ni Col. Gerry Basana, spokesperson ng AFP Western Mindanao Command, kabilang sa namatay sa tropa ng terorista ang tatlo katao habang mahigit sa 15 ang sugatan kabilang ang ‘high value target’ sa ilalim ni Hatib Hajan Sawadjaan.
Kabilang din umano sa napatay ang isang dayuhang terorista na kinilalang si Abu Black.
Naganap ang bakbakan sa masukal at liblib na lugar sa Sitio Sungkog,Barangay Kabbon Takas sa Patikul, bandang alas-11:30 mg umaga at tumagal ng dalawang oras.
Inamin ni Besana na nahirapan ang tropa ng gobyerno na labanan ang mga bandido dahil may kalakasan ang pwersa ng kalaban.
“Malakas pa po [ang puwersa ng kalaban dito sa area na to] kaya medyo hirap rin po ang tropa natin. Masukal ang lugar kaya medyo nahirapan ang tropa natin,” sabi ni Besana.
Maliban sa bakbakan, nagpakawala din ng air strike ang militar sa lugar. Umaga pa lamang ng Sabado ay nakasagupa na ng Joint Task Force Sulu ang higit sa 100 tropa ng Sayyaf sa ilalim ni Sawadjaan habang iilang sundalo lamang ang sumagupa sa mga ito.
324