TUBIG SA ANGAT DAM TUMAAS SA CRITICAL LEVEL

ANGATDAM

(NI DAHLIA S. ANIN)

MULING tumaas ang antas ng tubig sa Angat dam at naitala ang 162.49 meters ngayong umaga na mas mataas kaysa sa 161.46 meters noong Sabado.

Mataas na ito ng mahigit dalawang metro sa critical level nito na 160 meters.

Patuloy naman ang pagtaas ng tubig sa iba pang dam sa Luzon tulad ng La Mesa dam na ngayon ay 73.98 mula sa 73.96 noong Sabado.

Ang Ipo dam ay tumaas sa 100.66 meters mula sa 100.65 meters noong Sabado, gayundin ang Ambuklao na mula sa 744.59 ay tumaas sa 745.14. Tumaas din sa 571.61 meters ang Binga dam mula sa 570.24 at ang Magat dam na 184.28 meters ngayon na mas mataas kaysa sa 183.30 noong Sabado.

Samantala, bumaba naman ang antas ng tubig sa dalawang major dam sa Luzon.

Ang San Roque dam ay bumaba sa  231.43 meters mula sa 231.50 meters at ang Pantabangan dam na ngayon ay 189.22 meters mula sa 189.36.

160

Related posts

Leave a Comment