WALA umanong dapat ikabahala sa tsunami matapos yanigin ng 6.4 magnitude na lindol ang Batanes, Sabado ng madaling araw ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology.
Sa kasalukuyan ay nagpapatuloy ang search and rescue operations sa mga gumuhong bahay at establisimyento, kabilang ang makasaysayang Itbayat Church na Nuestra Senora del Rosario na itinayo noong 1850s.
Apat katao na ang iniulat na namatay kabilang ang isang bata na nadaganan nang gumuho ang kanilang lumang bahay. Nasa 19 iba pa ang iniulat na nasaktan.
Nasa kahimbingan pa ng tulong ang residente sa lugar nang yanigin ng lupa.
148