WALANG FOREVER SA LOCKDOWN – DOH

HINDI kailangan na makulong sa lockdown o magpatupad ng habambuhay na community quarantine para labanan ang pandemya na dala ng COVID-19.
Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, hindi uubrang habambuhay na tayo’y naka- lockdown na siya rin naman aniyang sinasabi ng mga eksperto.

“Sinabi na rin po ng mga eksperto, we cannot remain to be in lockdown forever; we have to balance between health and economics,” ayon kay Usec. Vergeire.

Ang punto pa ni Usec. Vergeire, kung maisasantabi kasi ang aspeto ng ekonomiya at hindi makapaghahanapbuhay, gutom naman ang aabutin ng mga tao at ibang sakit naman umano ang
lalabas sa populasyon.

“Kasi alam po natin na kapag sa economic side, kapag nagutom na po ang mga tao, ibang sakit naman po ang lalabas sa ating populasyon. So kailangan po nating balansehin lahat, kailangan lang
pong ipatupad lahat nang maayos ang ating mga minimum health standards para po maka- transition tayo doon sa sinasabi nating new normal at [maipagpatuloy] po natin ang ating mga
buhay,” ani Vergeire.

Ang kailangan lang ayon sa tagapagsalita ng DOH, maayos na implementasyon ng minimum health standards upang maging tuloy- tuloy ang buhay sa ilalim ng tinatawag na new normal.
(CHRISTIAN DALE)

90

Related posts

Leave a Comment