Problema sa kuryente di masolusyunan DOE BINIRA SA KAPALPAKAN

doe

BINATIKOS ni Senador Win Gatchalian ang Department of Energy (DOE) dahil sa kawalan ng kakayahan na masolusyunan ang problema sa supply ng kuryente sa bansa.

Giit ng senador, dapat ay matagal nang natuto ang DOE sa mga dinanas na brownouts sa mga nakalipas na taon tuwing sumasapit ang summer seasons upang makahanap sila ng solusyon.

“Bakit kelangan paulit-ulit nating paalalahanan si Juan de la Cruz na maghanda sa posibilidad na magkaroon ng brownout ngayong summer? Dapat natuto na ang DOE, power generators at lahat ng stakeholders sa mga insidente ng brownout sa mga nakalipas na taon at inaasahan natin na mayroon na silang contingency measures upang maiwasan ang power interruption ngayong summer,” ayon sa senador.

Dahil dito, inihain ni Gatchalian ang isang resolusyon para ipasiguro sa DOE at mga stakeholder nito na may maaasahan at kakayahan ang mga itong mag-supply ng kuryente sa panahon ng tag-araw.

Sinabi ni Gatchalian, na sa kabila ng sapat ang supply ng kuryente sa kasalukuyan ay nagbabala pa rin ang DOE ng posibilidad ng pagkakaroon ng brownouts sa Luzon sa huling linggo ng buwan ng Abril at ikatlong linggo ng buwan ng Mayo. NOEL ABUEL

150

Related posts

Leave a Comment