PRODUCER POPS, NAGKUKURIPOT SA PRESSCON

po12

(NI PETER LEDESMA)

BUKAS ay mediacon na ng pelikula nina Ai-Ai delas Alas at Bayani Agbayani na Feelenial at ang Cignal Entertainment raw ang nagpatawag ng said presscon. Ibig sabihin ang kasosyong Cignal ang pinamahala ni Pops Fernandez sa kanyang movie project at siyempre iwas-gastos nga naman siya.

Saka ayaw raw talaga ni Pops na naglalabas siya ng malaking pera sa presscon na ipinatatawag sa kanyang showbiz columnist na publicist. Kaya ang pobreng PRO, majority ng invitees ay bloggers na ka-chika niya. Kasi nabalitaan daw ni Pops, na walang pakimkim sa bloggers at papakainin lang, unlike sa mga tabloid writers ay give pa siya ng envelope.

Well, matagal nang kilalang kuripot ang Concert Queen at namana niya raw ito sa kanyang former hubby na si Martin Nievera.

But in fairness to Martin, hello, nagpapakain siya ng libreng burgers na luto niya!

 

262

Related posts

Leave a Comment