HOPE ni GUILLER VALENCIA
JOSHUA 1:13, “The Lord your God is providing you a place of rest and will give you this land.”
Ang Promised land, nagsimula pa sa panahon ni Abraham sa Genesis 12:7. The Lord appeared to Abram (Abraham) said, “to your offspring, I will give this land.” Promised land, the land of flowing milk and honey. Ito ang lugar ng Israel, ngayon ay advance sa science, technology, agriculture, drinkable water at war armaments. Isama pa natin na maraming mga mayayaman sa buong mundo ang mula sa lahi nila.
Dito sa ating bansa ay mayroon din “promised land” na ipinangako ng local o national government leaders, at mga politician sa mga kababayan natin. Pangakong lupa para sa informal settlers. Ang iba’y natupad, ang iba naman ay pangakong napako. Kadalasan din walang legal security at economic displacements; malayo sa sentro ng mga trabaho. Ang informal settlers ay laborers, drivers, waiters, vendors at iba pa na walang oportunidad sa bagong lugar o “lupang pangako” na nilipatan nila.
Very frustrating ang naging sitwasyon ng ilang natin mga kababayan! But the good news, mga kababayan, may higit pa tayong matutunguhan o malilipatan na hindi pansamantala. Ito’y higit pa sa Promised Land na ipinangako sa lipi ni Abraham. Mayaman at mahirap ay welcome dito.
Ang sinasabi ko ay new heaven and new earth na ipinangako ng ating Amang nasa langit. “I will create new heavens and earth….” Isaiah 65:17. Mababasa din natin sa Revelation 21:1 – the first earth and first heaven passed away. Revelation 21:4, “God will wipe away every tear and there will be no more death, sorrow, crying, or pain.”
Ang kailangan lang natin ay tanggapin si Jesus bilang Panginoon at sariling tagapagligtas. Siya ang daan, katotohanan at buhay (John 14:6) walang makapupunta dun sa tunay na Promised Land! (giv777@myyahoo.com)
24 