PROSECUTION TEAM KAY VP SARA: TAUMBAYAN NAGHIHINTAY NG DIREKTANG SAGOT

NANINIWALA ang House prosecution panel na madidismaya ang publiko sa naging desisyon ni Vice President Sara Duterte na hindi personal na dumalo sa unang araw ng kanyang impeachment trial.

Ayon kay House Trial Spokesperson Rep. Zia Alonto Adiong, naghihintay ang taumbayan ng direktang kasagutan mula sa Bise Presidente.

Aniya, ang personal na pagharap ni Duterte ay magpapakita sana ng kahandaan nitong sagutin ang mga alegasyon at panindigan ang kanyang pag-angkin ng pagiging inosente.

“That would also reinforce her previous statements that she will answer in the proper forum… and this is now the proper forum. The clearest message that she can send is to appear before the court,” ani Adiong.

Samantala, sinabi ni Legal Spokesperson Atty. Benjamin Tolosa Jr. na iginagalang ng prosecution panel ang impeachment rules na nagbibigay ng opsyon kay Duterte na humarap nang personal o sa pamamagitan ng kanyang counsel.

“We will still respect the rules of impeachment and the order issued by the impeachment court wherein the Vice President was given an option to appear either in person or through counsel.”

Gayunman, sinabi niyang nauunawaan nila ang sentimyento ng publiko na nais makita ang Bise Presidente na personal na humaharap sa paglilitis.

“Everyone’s demanding that the Vice President will face this in person.”

Para naman kay Trial Spokesperson Renee Co, matagal nang naghihintay ang publiko ng pananagutan kaya nakapanghihinayang ang hindi pagharap ni Duterte sa impeachment court.

Aniya, bagama’t bahagi ito ng estratehiya ng depensa, ang impeachment ay hindi lamang usaping legal kundi isa ring prosesong pampulitika kung saan mahalaga ang partisipasyon ng mamamayan.

“She can have her strategy… but at the end of the day this impeachment process is both a legal and political process that we want the people to participate in.”

Ready Kahit Sinong Presiding Officer

Samantala, iginiit ng House prosecution panel na handa silang iharap ang kanilang mga ebidensya laban kay Vice President Sara Duterte, kahit sino pa ang maupong presiding officer ng Senate impeachment court.

Ayon kay Lanao del Sur 1st District Rep. Zia Alonto Adiong, matibay ang kanilang kaso at hindi ito maaapektuhan ng magiging lider ng impeachment court.

“Tulad po ng paulit-ulit naming binibigyang-diin, ang House prosecution team ay handang-handa na magpresenta ng aming mga ebidensya at testigo, kahit sino pa po ang maging presiding officer.”

“Malakas at matibay po ang aming kaso.”

Sinabi ni Adiong na tatalima ang prosecution panel sa lahat ng internal rules ng impeachment court.

Matatandaang sa botong 12-8, inihalal ng senator-judges si Senador Francis “Chiz” Escudero bilang presiding officer ng impeachment court.

Opisyal namang nagsimula ang trial proper alas-3:31 ng hapon, kung saan nakatakdang magsagawa ng pagdinig ang impeachment court tuwing Lunes hanggang Miyerkoles.

(TINA MENDOZA)

94

Related posts

Leave a Comment