PUBLIC TRANSPORTATION, SUSPENDIDO

MULING ipagbabawal ang pagbiyahe ng mga pampublikong sasakyan ngayong muling iiral ang   modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila at ilan pang karatig lalawigan.

Sa kalatas ng Department of Transportation kahapon, sa NCR, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal, pansamantalang walang public transport simula ngayong Martes, August  4.

Tanging ang mga public shuttle para sa frontline workers ang papayagang bumiyahe.

Ititigil muli ang pagbiyahe ng mga bus, jeep, taxi, TNVS at tren.

Bawal din ang pagbiyahe ng mga tricycle, pero papayagan ang pagkakaroon ng exceptions sa ilalim ng guidelines na itinakda ng DILG at LGUs.

Kaugnay naman sa motorcycle backriding, inihayag ni PLt. Gen. Guillermo  Eleazar, Joint Task Force COVID Shield commander, aantabayanan muna nila ang ilalabas na guidelines ng National Task Force against COVID-19.

Para sa private transport, ang mga company shuttle ay papayagang bumiyahe pero 50% ng capacity dapat ang sakay. Pwede ring bumiyahe ang mga pribadong sasakyan.

Hindi naman maiwasang muling mangamba ang mga tsuper dahil posibleng bumalik sa pamamalimos ang marami sa kanila.

“Sana naman bago sila magdeklara ng ganyan, ayusin nila ang ayuda ng tao,” ayon sa isang jeepney driver. (JESSE KABEL)

120

Related posts

Leave a Comment