PUBLIKO BINALAAN NA HUWAG MAGING KAMPANTE SA COVID-19

HINDI dapat magpakakumpiyansa ang publiko sa kabila ng patuloy na pagbaba ng bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19 virus.

Ito ang paalala ni Senate Committee on Health chairman at Senador Christopher Bong Go sa publiko sa pagsasabing huwag pa ring maging kampante kahit pababa ang bilang ng mga biktima ng COVID-19.

Sinabi ni Go na kahit pababa ang numero, hindi pa rin nawawala ang COVID-19  kaya dapat ay patuloy na sumunod sa health protocols ang publiko.

Aniya, habang wala pang ligtas na bakuna  na masasabing nakagagamot, hindi dapat luwagan ng tao ang pag-iingat sa COVID-19 virus.

Binigyang-diin ni Go na dapat pairalin pa ring pairalin ang social distancing, pagsusuot ng  face mask at face shield sa kaligtasan ng bawat isa.

Una na nang inihayag ng Department of Health na nakikita nilang pababa ang bilang ng mga dinadapuan ng COVID-19 habang mataas din ang recovery rate sa bansa. (NOEL ABUEL)

135

Related posts

Leave a Comment