PULIS NA ‘NINJA COP’ IBUBUNYAG SA OCT 1; ALBAYALDE GIGISAHIN — GORDON

albayalde12

(NI DANG SAMSON-GARCIA)

IPATATAWAG na rin ng Senado si Philippine National Police Chief, Police General Oscar Albayalde sa pagdinig kaugnay sa isyu ng ninja cops o mga pulis na nagre-recycle ng nakukumpiskang droga.

Kasabay ito ng umano’y pagbubunyag kung sinu-sino ang mga pulis na nasa listahan ng ninja cop.

Nilinaw naman ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Richard Gordon na iimbitahan si Albayalde bilang siya ang pinuno ng Pambansang Pulisya.

“As PNP Chief, we will invite him,” saad ni Gordon.

Sa gitna ito ng umuugong na impormasyon na isa si Albayalde sa 22 opisyal ng PNP na pinangalanang sangkot sa Agaw Bato Scheme.

Kinumpirma rin ni Gordon na naipadala na nila ang kopya ng transcript ng executive session hinggil sa mga iregularidad sa Bureau of Corrections subalit sa kanilang pagdinig sa October 1 ay kanila na rin itong isasapubliko.

“Basta October 1 pinangalanan o hindi ang usapan sa Senado kahapon, nagmeeting kami. We will report to the public kung sino ang mga sinabi,” pahayag pa ni Gordon.

Sinabi naman ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson na isa sa magandang dulot ng desisyon nila na ilabas na ang nilalaman ng executive session ay  ang mabigyan ang mga isinasangkot ng pagkakataon upang maipaliwanag ang kanilang panig.

“Para rin kung mai-confront siya (Albayalde) at talagang nariyan ang pangalan niya, maipaliwanag niya ano naging role niya sa nangyari sa Pampanga when he was still the provincial director way back in early 2014. Matter of public record naman, he was administratively relieved, apparently for command responsibility. Beyond that wala naman nakitang criminal liability si CPNP Albayalde,” saad ni Lacson.

Aminado si Lacson na kung mapatunayang sangkot ang pinuno ng PNP sa kontrobersiya, magkakaroon ito ng malaking negatibong epekto.

“Malaki yan. Kung ikaw leader ng ahensya at medyo umaabot sa iyo ang controversy, maliwanag na may maling nangyari roon kasi meron talagang itinabi at binenta. At meron din doon nahuli na pinatubos at pinalitan ang huli. Talagang grabe yan,” diin ni Lacson.

Pero sa ngayon anya hindi kinakailangang mag-alala si Albayalde.

“If I were him, I would not worry kung even in hindsight talagang wala akong alam. There’s no substitute to a clear conscience even sa usapang pork. Pag malinis konsensya mo matibay tinatayuan mo. Pero pag ikaw pork here, there and everywhere tapos makikipagbakbakan ka tungkol sa pork, I don’t know ano ang laban niya,” diin pa nito.

219

Related posts

Leave a Comment