PULIS NALAMBAT SA DRUG OPS

CAGAYAN DE ORO CITY- Pinosasan ng kanyang mga kabaro ang isang kawani ng Philippine National Police (PNP) nang mahuli itong nagbebenta ng ilegal na droga sa inilatag na drug buy bust
operation sa lungsod na ito.

Kinilala ang nadakip na si Police Master Sergeant Mariejo Molina Tejada, sa Zone 3 Taboc, Opol, Misamis Oriental.

Batay sa report ng City Mobile Force Company sa COCPO, nadakip ang suspek, Agosto 5 ng hapon sa nasabing bayan.

Ayon kay Lt. Col. Alexy Sonido, commander sa CMFC-COCPO, nakatanggap sila ng report hinggil sa umano’y pagiging protektor at pagtutulak ng droga ng suspek.

Sinabi naman ni Tejada na hindi kanya ang droga at planted ang ginawang operasyon.

Inihahanda na ang patung-patong na kaso laban sa suspek. (ANNIE PINEDA)

183

Related posts

Leave a Comment