PWERSA NG MILITAR PALALAKASIN PA KONTRA TERORISMO

NAGKAROON ng dahilan si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na lalo pang palakasin ang puwersa ng pamahalaan para durugin ang mga lawless element partikular na ang mga terorista matapos ang twin bombings sa Jolo, Sulu kamakailan.

Sa mensahe ng Pangulo sa kanyang pagbisita noong Linggo sa nasabing lugar, ang pagbomba kamakailan sa nasabing lugar na nagresulta ng pagkamatay ng ilang sibilyan at mga sundalo ay sapat
nang dahilan na mas palakasin ang puwersa para durugin ang mga lawless element na nasa likod ng kaduwagang pagkilos na ito.

“To our troops I stand in solidarity with you as we honor the memory of your comrades, my soldiers  who gave their lives in the name of peace here in Sulu,” diing pahayag ng Pangulo.

Sa ilang dekada na aniya, ang progreso sa Mindanao ay palaging nahahadlangan ng banta ng   insurgency at extremism.

“Kung wala lang ho sana itong the seed of hatred na nakalagay sa isip from generation to generation sana ngayon maganda na ang buhay para sa lahat,” ayon sa Chief Executive.

Ang masaklap aniyang pangyayaring ito ay isa lamang sa maituturing niyang  “countless incidents” na magpapatunay na hindi dapat maging kampante ang pamahalaan pagdating sa terorismo.

Ngayon aniya ay mas kailangan ng bansa ang Armed Forces para tiyakin na ang mga terorista ay hindi magtatagumpay  sa kanilang walang katuturan at walang kuwentang layunin. (CHRISTIAN DALE)

298

Related posts

Leave a Comment