QC MAYOR JOY INENDORSO SI CAMILLE

INENDORSO ni Quezon City Mayor Joy Belmonte si senatorial candidate Camille Villar kasabay ng kanyang pagdalo sa Gender and development assembly sa Quezon City nitong Lunes.

Agad namang pinasalamatan ni Villar ang pag-endorso ni Belmonte sa kanyang kandidatura, kasabay ng pagtiyak na prayoridad nito ang pagsulong ng mga batas para sa kapakanan ng kababaihan, kabataan, marginalized sector, maging sa kalusugan at edukasyon.

Tiniyak naman ni Villar na makaaasa ang mga taga-Quezon City na nakahanda siyang tumulong sa oras na mahalal siya bilang senador.

Ang Quezon City ay isa sa may pinakamaraming botante sa Metro Manila na umaabot sa 1,382,018 registered voters batay sa records ng Commission on Elections.

(DANNY BACOLOD)

23

Related posts

Leave a Comment