QUARANTINE HOTELS BABANTAYAN NG PULIS

INATASAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pulis na bantayan ang mga hotel na nagsisilbing quarantine facilities para sa mga umuuwing Pilipino kasunod ng insidente ng tinaguriang ‘Poblacion girl’ na lumabas ng hotel kahit hindi pa tapos ang quarantine at nakipag-party pa ngunit kalaunan ay positibo pala sa COVID-19 at nahawahan ang mga nakasalamuha.

Sa kanyang Talk to the People, Martes ng gabi, sinabi ng Pangulo na walang kapangyarihan ang mga hotel personnel para pigilan ang mga gustong lumabas ng quarantine kung kaya’t kinakailangang may nagbabantay na otoridad sa labas ng hotel.

“They cannot be physically stopped, they do not have authority or power. Ang makapaghinto sa kanila government personnel placed in there in hotel to work in the matter of placing people under quarantine,” ani Pangulong Duterte.

Aniya, dapat may dalawang pulis na magsisilbing bantay sa mga quarantine hotel.

Agad namang inatasan ni Año si Philippine National Police Chief Police General Dionardo Carlos na magtalaga ng mga pulis sa mga hotel. (CHRISTIAN DALE)

205

Related posts

Leave a Comment