PANGARAP talaga ng dating Belladonnas dancer na si Quinn Carillo na mapasok ang mundo ng showbiz, kung hindi man sa harap ng kamera qualified naman siya sa off cam works tulad ng pagsusulat ng screenplay. True, may talent si Quinn sa paggawa ng screenplay at istorya at ilan na sa ginawa niya naisalin na sa pelikula.
Sa ngayon, nahaharap sa malaking hamon si Quinn sa kanyang showbiz career, bukod sa siya ang co-screenplay writer ng movie na dinirehe ni Direk Joel Lamangan, ang “Biyak” ay isa pa si Quinn ang nasa lead role kasama sina Angelica Cervantes, Albie Casiño at Vance Larena. May pagka-action ang genre ng ‘Biyak’ at tsikang sumabak na rin ang byuti ni Quinn sa mga daring role, as expected knowing kung anong genre mayroon ang mga movies ng Vivamax.
“I play a former drug user na naging drug informer and asset for the cops. Binago ako ni direk, pati ang hitsura ko, ang hairstyle ko na iba-iba bawat eksena. Ang laking bagay that I get directed by Direk Joel kasi ang dami kong natutuhan sa kanya. Nag-action pa ako rito sa raid scene na ang hirap tumakbo kasi naka-high heels ako,” say ni Quinn.
On doing sexy scenes, tuluyan na nga kayang lumaban nang sabayan si Quinn sa mga kapwa niya sex nymphet sa Vivamax?
“I can’t say kung tuloy-tuloy na ako sa sexy roles. Basta I will do intimate scenes kung needed talaga siya sa character that I’ll portray, essential siya sa movie at kung malaki ang tiwala ko sa director. Hindi rin kasi ako that comfortable with my body so I hope the director, iingatan rin niya ang shots ko,” dagdag pa ni Quinn.
