RAPE SUSPECT NASILO SA TONDO

BINITBIT ng mga operatiba ng District Police Intelligence and Operation Unit (DPIOU) ng Manila Police District, kasama ang mga tauhan ng Delpan Police Station 12, ang isang suspek sa panggagahasa nang matunton sa Barangay 106, Tondo, Manila noong Biyernes ng gabi.

Kinilala ang suspek na si alyas “Tyron James”, 25-anyos, binata, jobless, residente ng Balut, Tondo.

Ayon sa ulat ni Police Lieutenant Ryan Valenzuela, assistant chief ng DPIOU, na pinangasiwaan ni Police Lieutenant Colonel Robert Sales, District Intelligence chief, bandang alas-5:25 ng hapon nang matunton ang suspek sa nasabing lugar.

Nabatid mula kay Police Major Kevin Rey Bautista, hepe ng DPIOU, sa

isinagawang Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) ay natimbog ang suspek sa pakikipagtulungan ni Police Lieutenant Ferdinand Omli, hepe ng Warrant and Subpoena Section ng Delpan Police Station.

Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Marloween Bajarias-Hermogeno, ng Family Court Branch 6 ng Manila, para sa kasong rape at sexual assault. (RENE CRISOSTOMO)

162

Related posts

Leave a Comment