RE-ORGANISASYON SA PHILHEALTH DAPAT LANG

PRO HAC VICE Ni BERT MOZO

BAGO pa mahuli ang lahat at malusaw ang pondo ng Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth ay kailangan na talagang magkaroon ito ng reorganisasyon lalo na ang pamununuan ng naturang ahensiya.

At para naman sa mga opisyal ng PhilHealth na hindi sangkot sa mafia subalit may alam sa mga nangyayaring katiwalian at kayo ay sukang suka na sa ginagawa ng inyong mga kasamahan aba’y magsalita na po kayo laban sa mga tiwaling opisyal ninyo.

Nakahanda naman po ang Task Force PhilHealth na bigyan kayo ng proteksyon sa ilalim ng Witness Protection Program ng Department of Justice (DOJ).

Kasi po isa sa nakikitang solusyon ngayon nang binuong task force ay ang re-organization ng PhilHealth. Baka mamaya isa kayo sa masagasaan at makasama pa kayo sa mga kakasuhan at malagay sa alanganin ang inyong reputasyon at ang kahihiyan ng inyong pamilya.

Gaya po niyan nagsumite na ang Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) ng kanilang report at rekumendasyon sa task force sa kung sino- sino ang dapat makasuhan at masibak sa serbisyo dahil sa mga katiwalian sa loob ng PhilHealth.

At maging ang Senado ay nagsumite na rin ng resulta sa task force ng kanilang isinagawang inquiry at pagiimbestiga sa mga reklamo ng mga katiwalian ng mga empleyado at mga opisyal ng PhilHealth.

Kung maghihintay pa po kayo ng ano mang kalalabasan ng isinasagawang imbes­tigasyon ngayon ng task force at wala kayong ginagawang aksyon eh baka magulat kayo isa pala kayo sa isinasama ng mga tiwaling opisyal sa kanilang kasamaan,

May kasabihan po tayo na nasa “HULI ANG PAGSISI” kayo rin!?

oOo
Ano?! Ang Driver ng maybahay ng isang mataas na opisyal ng pamahalaan nagpositibo sa coronavirus disease 2019??

Bakit kaya ayaw pang isiwalat yung pagkapositibo ng driver ni madam? Natatakot kaya itong si mataas na opisyal na malaman ng publiko?

Ang balita ko nga po na napakahigpit ng naturang opisyal sa pagpapatupad ng rapid test at swab test ng kanilang mga empleyado.
Para lamang matiyak na ligtas ang kanilang lugar at di sila mahawaan ng COVID-19,, dahil in fairness po naman napakasipag pong pumasok nitong mataas na opisyal sa kanyang opisina.

Kaya panawagan po sa mag asawang opisyal na nagpositibo sa covid-19 ang kanilang driver, ay ilabas nyo po yung ganyang situwasyon dahil hindi lang po naman sa inyo nangyayari ang ganyan, si

DILG Secretary ­Eduardo Año nga po isinisiwalat niya ang kanyang muling ­pagpositibo sa COVID-19 eh.

Sa totoo lang po naman, wala pong sinuman ang may gustong silay magkaroon ng naturang sakit kaya wala pong dapat ipag-alala kung isa man sa inyo ang nadapuan ng naturang karamdaman dahil nangyayari po ang ganyan kaninuman.

Stay safe po mga ka-saksi at mga kabalat!

138

Related posts

Leave a Comment