RED-TAGGING MALABONG MAGING KRIMEN – SOTTO

MALABONG maipasa ang anomang panukala upang gawing krimen ang red-tagging o pagtutukoy sa kritiko ng pamahalaan bilang komunista o kalaban ng Estado, ayon kay Senate President Vicente Sotto III.

Sa pahayag, sinabi ni Sotto na naniniwala siyang ibabasura rin ni Pangulong Duterte ang panukala kahit maipasa ito ng Kongreso.

“Malabo ‘yan. Mahirap i-define (ang red-tagging) kahit sabihin pa class legislation,” ayon kay Sotto sa interview.

“Pangalawa, pumasa man iyan sa amin, ang opinion ko, 100 percent ibi-veto ni presidente iyan,” dagdag ni Sottto.

Sinabi ni Sotto na kapag ginawang krimen ang red-tagging, parang ginawa na ring krimen ang name-calling.

Aniya, kapag may naghain ng panukala na gawing krimen ang red-tagging, maghahain din siya ng hiwalay na panukala upang gawing krimen ang name-calling. (ESTONG REYES)

 

‘BRAIN DRAIN’ DULOT
NG MAKUPAD NA INTERNET

ISINISISI ni Senador Grace Poe sa pagkaubos o brain drain ng technical people sa bansa o iyong mahuhusay na engineers at IT grads dahil kapos ang oportunidad dito kaya sila nagtutungo sa ibang bansa na nagiging sanhi ng mabagal na internet connection sa Pilipinas.

Sa pahayag, sinabi ni Poe, chairman ng Senate committee on public services, na kailangan nang magkaroon ng inisyatiba ang telco sector at pamahalaan upang maputol ang brain drain sa bansa kaya hindi nabibigyan ng kalidad at episyenteng telecommunication services ang mga Pilipino.

Pinalutang ni Poe ang naturang problema habang naghahanda ang kanyang panel sa pagpupulong para sa isang public hearing ngayong Lunes upang talakayin ang panukala na aprubahan ang aplikasyon sa prangkisa ng ilang telecommunication companies sa bansa.

Ayon kay Poe, maraming pamilya ang nagrereklamo na mukhang hindi makahanap na sapat na pamamaraan ang mga service provider upang matatag na maisaayos ang internet at problema sa signal ng kanilang subscriber.

“Kulang yata sila sa magagaling na teknikal na tao kasi pabalik-balik din ang problema. ‘Yun din ang problema dito sa ating brain drain na tinatawag,” aniya.

“Masaya tayo na ang ating mga OFW ay kinikilala sa ibang bansa dahil sa kanilang kapabilidad at talento, pero nawawala rin ang magagaling dito sa atin. Nagkukulang din tayo ng tao, kahit na ang magagaling dito na technical persons natin sobra rin silang nahihirapan sa dami ng nangangailangan sa kanila,” giit pa ni Poe.

Dahil dito, hinikayat ni Poe ang lokal na negosyo na magbukas ng de-kalidad na oportunidad para sa mga Pilipino upang hindi sila mapilitang magtrabaho sa abroad. (ESTONG REYES)

92

Related posts

Leave a Comment