PINASISILIP ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Department of Social Welfare and Development
(DSWD) at Department of the Interior and Local Government (DILG) ang hinaing ng mga Public Utility Vehicle (PUV) driver na hindi nakasama sa Pantawid Pasada program ng pamahalaan.
Sa State of the Nation Address (SONA), sinabi ng Pangulo na may natanggap siyang reklamo na may mga driver ang hindi nakatanggap ng ayuda.
Ayon sa Pangulo, sa ngayon, nasa 4.3 milyong mahihirap na pamilyang Filipino na ang nakinabang sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Nasa 9.2 milyong beneficiaries naman ang nakatanggap ng subsidiya sa pamamagitan ng Unconditional Cash Transfer (UCT) program. (CHRISTIAN DALE)
361
