NAGKAROON ng pag-asa ang Cavite Alliance Homeowners Association na magkaroon ng linaw ang kanilang inaasam na paliwanag mula sa Prime Water Company kaugnay sa halos 400 percent na pagtaas ng kanilang water bill ngayong panahon ng COVID-19 pandemic.
Lumakas ang loob ng Cavite Alliance HOA partikular ang mga residente mula sa mga subdivision tulad ng Tierra Nevada at El Pueblo sa Barangay San Francisco, General Trias City sa ginawang
pagkalampag ni BH party-list Representative Bernadette “BH” Hererra sa MWSS Regulatory Office.
Ayon sa mambabatas, labis nang nakaaalarma ang pagdami ng mga reklamo laban sa mga water company tulad ng Maynilad, Manila Water at iba pa sa hindi makataong paniningil kung saan
hanggang ngayon ay malabo pa rin ang paliwanag ng mga ito sa consumers.
Bagamat naglabas ng pahayag ang MWSS RO na inatasan na nila ang mga water concessionaire na magbigay ng mahaba-habang palugit sa mga water consumer upang mabayaran ang kanilang bill mula nang ibaba ang ECQ hanggang GCQ ay hindi umano sinunod ito.
“I also appeal to the LWUA and the water districts to learn from the failures of MWSS-RO at enforcing consumer protections. MWSS, water districts and LWUA must enforce laws and consumer
protections SMARTly–with specific, measurable, attainable, realistic, and time-bound standards and action,” pahayag ni Herrera. (CESAR BARQUILLA)
233 