REPATRIATION FUNDS SINIGURO NI DEFENSOR

TINIYAK ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor na isasama sa popondohan sa Bayanihan 2  ang repatrations ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) na naapektuhan ng COVID-19.

Ayon kay Defensor, nakatakdang ipasa sa pagbabalik session ng Kongreso sa susunod na linggo ang Bayanihan To Heal As One 2 kaya isisingit dito ang dagdag na pondo para maiuwi na ang lahat ng OFWs na stranded sa iba’t ibang bansa lalo na sa Gitnang Silangan.

“We can include the augmentation in the proposed Bayanihan 2 or We Recover as One law, which we hope to approve together with the Senate after we open our second regular session on Monday,” ani Defensor.

Nabatid na umaabot pa sa 107,000 ang OFWs na stranded sa ibang bansa subalit paubos na umano ang P1 bilyon na pondo ng Department of Foreign Affairs (DFA) para sa repatriation.

Base sa pagdinig ng House committee on public account na pinamumunuan ni Defensor, noong nakaraang linggo, P230 milyon na lamang umano ang natira sa nasabing pondo ng DFA na hindi na sapat para maiuwi ang lahat ng stranded OFWs. (BERNARD TAGUINOD)

126

Related posts

Leave a Comment