NAIS ni Senador Grace Poe na amyendahan ang Revised Penal Code na nagbibigay-daan
sa pagpatay sa asawa na nahuli sa aktong pakiki-apid.
Sa kanyang Senate Bill 1410, nais ni Poe na i-abolish ang Article 247 ng Revised Penal Code, na nagsisilbing batayang legal o lisensya para patayin ng isang indibidwal ang kanyang asawa na nakikipagtalik sa iba.
Nakasaad sa Article 247 na ang sinomang kasal na indibidwal na nakahuli sa kanyang asawa sa aktong pakikipagtalik at napatay ang mga ito ay maaaring patawan ng parusang destierro o banishment o pagpapatapon sa kanya sa ibang lugar.
Sakop din nito ang mga magulang na mahuhuli ang kanilang anak na babae na menor de
edad na nakikipagtalik.
Tinawag ni Poe na obsolete na ang probisyon ng batas.
“In this day and age, there must no longer be room for laws that discriminate against women and girls. Honor killing is a practice that has been widely condemned as it runs roughshod over due process and the basic tenets of human rights,” saad
ni Poe.
“Killing is killing. People should not be allowed to take the law into their own
hands,” dagdag nito.
“Huwag natin palusutin sa batas ang anomang pagyurak sa katauhan at karapatan ng
ating mga kababaihan at kabataan,” giit pa ng senador.
Layon din aniya ng panukala na ma-promote ang progresibong pananaw sa buhay mag- asawa.(Dang Samson-Garcia)
234 