RICE IMPORTATION ITIGIL MUNA – IMEE

DAPAT itigil muna ng pamahalaan ang importasyon ng bigas hanggang matapos ang anihan sa panahon ng tag-ulan sa Oktubre para makarekober ang mga magsasaka sa farmgate prices na diktado ng rice traders.

Ito ang apela ni Senador Imee Marcos kasabay ng babala na posibleng muling bumulusok ang presyo ng palay mula sa kasalukuyang P12 hanggang P15 kada kilo ay maging P7.00 hanggang P8.00

na lang tulad ng nangyari noong nakaraang taon na nagkaroon ng oversupply bunsod ng importasyon ng bigas kaya nahila pababa ang presyo.

“Ang importasyon ay hindi kahulugan ng pagtigil sa iba pang regulasyon,” ani Marcos.

“Ang paglalagay ng schedule ng importasyon ay paraan ng pagtulong natin sa mga kababayang magsasaka habang patuloy pa rin ang pagpapatupad sa rice tariffication law,” dagdag nito.

Hinikayat din ni Marcos, chairman ng Senate Committee on Economic Affairs ang Bureau of Customs na agad kumilos para sa mga rice trader na nalantad na misdeclared at undervalued pala ang mga na-import na mahigit sa P1 bilyon.

“Bukod sa koleksyon ng mga kulang na bayad sa buwis ng mga inimport, dapat din ikansela ang permits ng malalakas ang loob na kartel ng mga importer at pagbalasa o pag-alis sa mga opisyal ng Customs na pinapayagan itong mangyari,” sabi ni Marcos.

Dapat din aniyang maprotektahan ang koleksyon ng taripa bilang dagdag pondo sa Department of Agriculture na malaki ang posibleng mabawas na pondo sa susunod na taon at malilimitahan ang pagbili ng palay sa mga lokal na magsasaka at pagbigay ng drying machines, tube wells, higher-yielding hybrid seeds at mga pataba.

Paliwanag ni Marcos, dahil sa kawalan ng drying machines at storage facilities, napipilitan ang mga magsasaka na ibenta ang kanilang mga palay sa rice traders sa mas mababang presyo sa halip na sa National Food Authority, dahil kailangan maabot ang 14% na maximum moisture content bago mabili ang palay sa presyong 19 pesos kada kilo. (NOEL ABUEL)

96

Related posts

Leave a Comment