CAVITE – Dead on the spot ang isang motorcycle rider matapos nagulungan ng isang tractor head sa bayan ng Kawit sa lalawigang ito.
Kinilala ang biktimang si Renalyn Lizano Dioquino habang hawak na ng pulisya ang driver ng isang Izusu Eseries na may tractor head at plate number na DCQ 6562, na si Rolando Habohas.
Kapwa binabagtas ng biktima at suspek ang kahabaan ng Centennial highway patungo sa direksiyon ng Cavite dakong alas-11:45 ng umaga noong Miyerkoles.
Ngunit pagsapit sa Bgry. Gahak, Kawit, Cavite nang nawalan ng kontrol ang biktima dahilan upang sumemplang sa isang aspaltadong bahagi ng kalsada hanggang sa bumangsak.
Kasunod naman nito ang minamanehong tractor head ng suspek dahilan upang magulungan ito na nagresulta sa agarang kamatayan ng biktma. (SIGFRED ADSUARA)
