RL GETAWAY TRAVEL AND TOURS, KUMIKITA SA BAHAY

BIZZNESS CORNER ni JOY ROSAROSO

NAGSIMULA ang RL GETAWAY TRAVEL AND TOURS noong November 2019. Dahil sa uso ang pagta-travel, naisipan namin ng aking partner na magtayo ng isang travel ticketing agency. Dahil para sa akin, ito ay hindi naluluging negosyo. Magagamit mo ito sa anomang oras.

Seven years ago pa, way back 2018, ay nagplano na kaming magtayo ng isang travel agency. Ito ang isa sa mga napag-isipan kong negosyo dahil para sa akin, ito ang magandang negosyo lalo na’t patok sa atin at ugali ng mga Pinoy ang pagta-travel.

Bakit maganda ang travel and tours business? Dahil ito ang ‘IN’ ngayon. Lahat ng mga tao ngayon ay may travel goals. Walang market segmentation o pinipiling tao. Matanda man, bata, babae, lalaki, lahat sila ay market mo.

RECESSION PROOF, walang pagkalugi… habang may airports at airplanes, tuloy ang negosyo mo, pati hotel accommodations.

COST EFFICIENT, hindi mo kailangan ng maraming manpower na suwelduhan, ikaw lang pwede mong gawin.

Hindi mo kailangang umupa ng pwesto para sa negosyo mo, sa bahay ka lang, pwede ka nang kumita..

CP PLUS INTERNET ACCESS EQUALS WORLDWIDE BUSINESS. By the power of the internet, you can reach many people, so MALAKI ang market mo, buong mundo. Anytime, anywhere, you can do the business. EASY TO MANAGE, ikaw lang kaya mong gawin ang negosyo. Namo-monitor pa palagi ang kita at expenses mo, pwede mong gawing part time or full time.

ZERO RISK, ang RL GETAWAY TRAVEL AND TOURS ay legal. Sa bookings pa lang, sigurado na ang kita mo. Booking of flights, hotel accommodation, tour packages.

Nag-umpisa ang RL Getaway noong kasagsagan ng pandemya dahil mismong sa opening nito nang mag-lock down ang buoung Pilipinas. Bawal lumabas, bawal umalis. Pero ang nakakaganda sa ganitong negosyo ay nandyan parin siya hanggang sa bumalik na sa normal ang lahat.

Ang maipapayo ko lang sa lahat ng gustong sumubok sa ganitong negosyo, kailangan lang po ng tamang diskate, kailangang masipag ka dahil ang negosyong ito ay napakaganda. Lalo na ngayong pagkatapos ng pandemya, wala nang iniisip ang mga mga tao kung hindi ang mag- travel sa buong mundo.

Ang negosyong ganito ay napakaganda dahil pwede kang mag-start sa maliit lang na puhunan.

Hangga’t may naiisip ka na magandang diskarte para sa negosyo mo, gawin mo ito para mas lalong maging okay at mas convincing sa mga client mo.

At higit sa lahat ang “RL” ay combination ng dalawang pangalan ng dalawang tao, Rae at Lakay kaya ito ay RL. We are here to get you there… RL Getaway Travel and Tours!

317

Related posts

Leave a Comment