RONNIE: ‘BINIBIGAY KO KAY LOISA LAHAT-LAHAT, WALA AKONG ITINITIRA SA SARILI KO!’

MAHIGIT tatlong taon nang magkasintahan ngayon sina Loisa Andalio at Ronnie Alonte.

Ayon sa aktor ay may ilang mga pagkakataon na rin gusto na niyang sukuan ang relasyon nila ng dalaga.

“Maraming beses, maraming beses na po ako gustong sumuko. Siguro po dahil sa mga nangyayari sa aming pagsubok dati, natututunan ko lang po do’n na sa pagmamahal kailangan mo talaga magbigay, kailangan mo magtiwala. Kasi hindi naman po kayo magtatagal kung wala lahat ‘yon,” makahulugang pagbabahagi ni Ronnie.

Katulad ng ibang magkasintahan ay normal lamang umano ang pagkakaroon nang hindi pagkakaunawaan paminsan-minsan.

Ang mahalaga ay napag-uusapan kaagad kung ano man ang hindi pagkakaintindihan upang maging maayos muli ang isang relasyon.

“Normal sa isang relasyon Tito Boy, kasi bigayan kayo eh. Kaya ko nga siya tinanggap eh. Kaya mo siya minahal nang todo, kailangan tanggap mo siya. kung ano man siya, kung ano man ‘yung pagkatao niya, kung ano man ang mangyari, kailangan tanggapin mo siya. Kasi no’ng time na ‘yon na wala pa akong alam sa gano’n. Hindi mo matututunan ang isang bagay hanggang hindi pa nangyayari sa iyo. ‘Yung Nangyari sa amin no’ng time na ‘yon, ayaw ko na talaga. Naisip ko na ‘yung mga fans, naisip ko na ‘yung mga pangako ko dati sa social media, ‘Ikaw ang pang-habangbuhay ko,’ tapos sinabi ko sa kanya ayaw ko na. Ang daming stress na pumasok sa isip ko. Nasabi ko po sa sarili ko no’ng time na hiniwalayan ko siya, no’ng iniwan ko siya. Pagod na ako, ayaw ko na. Hanggang sa nakikita ko na ‘yung tweet ng fans na, ‘Love namin kayo, mahal namin kayo. Dito lang kami forever. Ronnie ‘di ba, pangako mo,’ bumalik sa utak ko na, oo nga ‘no. Hindi ako sanay na wala siya sa tabi ko lagi. Hindi ako sanay nang wala siya. pagsubok lang ‘yan, marami pa ‘yan. Madaming-madaming pagsubok pa ang pagdadaaan n’yo at handang-handa na ako do’n Tito Boy.”

“Nasanay na ako na binibigay ko kay Loisa lahat-lahat, wala na akong itinitira sa sarili ko. Masasabi ko lang po na tanggap ko, wala mang matira sa akin, Tito Boy, mabigay ko lang ‘yung pagmamahal na gusto niya, huwag niya lang akong iwan, gagawin ko,” emosyonal na pahayag ni Ronnie.

165

Related posts

Leave a Comment