ROQUE MULING MAGPAPA-SWAB TEST

NAKATAKDANG muling sumalang bukas, araw ng Huwebes sa PCR o swab test si Presidential spokesperson Harry Roque na kasalukuyang naka-self quarantine.

Kasunod ito ng pagkapopositibo ng isa sa kanyang mga security detail na sumalang sa COVID test kamakailan lamang.

Subalit, bago ang pagpapa swab test ni Sec. Roque bukas, una nang sinabi nito na magpapa-antigen siya kahapon.

Ganunpaman, wala pang impormasyong inilalabas si Sec. Roque ukol sa naging resulta ng antigen test niya.

“On the fifth day of contact po which is on Thursday, magpapa-PCR po tayo bagamat bukas mag-a-antigen din… antigen test din po tayo,” ayon kay Sec. Roque.

Sa kanyang regular briefing nitong nagdaang Lunes, inanunsiyo ni Roque ang kanyang pagse-self isolate na nuon ay nag virtual briefing na rin sa kanyang tahanan.

Sa ulat, pinayagan ng COVID-19 task force ang paggamit ng antigen tests bilang pre-boarding requirement ng asymptomatic domestic travelers.

Ayon kay Sec. Roque, pwedeng substitute ang antigen tests para sa gold standard real time polymerase chain reaction (RT-PCR) tests.

Ginawa ni Sec. Roque ang pahayag ngayong plano na ng ilang lugar sa Northern Luzon na buksan ang kanilang area sa local tourists mula sa ibang lugar na mababa ang kaso ng COVID-19.

Una nang sinabi ni IATF co-chairperson Karlo Nograles na pinag-aaralan na ang paggamit ng antigen tests sa pag-detect sa SARS-CoV-2, virus na nagdudulot ng COVID-19 para mapaigting pa ang testing capacity ng bansa.

Sinabi ng Department of Health na ang gumagamit ang antigen tests ng nasopharyngeal or oropharyngeal swab para mag-kolekta ng specimen pero gumagamit ito ng laboratory o health care setting para sa validation ng resulta. (CHRISTIAN

DALE)

212

Related posts

Leave a Comment