RP-US BALIKATAN 2020 KANSELADO

balikatan12

TULUYAN nang kinansela ang nakatakdang RP-US Balikatan exercises sa May 4 hanggang 15 dahil sa worldwide coronavirus disease (COVID-19) outbreak.
Inabiso ng United States Indo-Pacific Command na naka-base sa Hawaii, ang

kanselasyon ng Balikatan joint military exercise bunsod ng mga ipinatupad na international travel restrictions ng US Department of Defense gayundin ng Pilipinas.

“In light of the extra-ordinary circumstances surrounding COVID-19 pandemic and in the best interest of the health and safety of both countries’ forces, it is prudent to cancel Balikatan 2020,” ayon sa pahayg ni Adm. Phil Davidson, commander ng US Indo-Pacific Command.

Sa kabila nito, sinabi ni Davidson na nananatili ang kanilang commitment sa “long- standing Alliance and friendship” ng US sa Pilipinas.

Sa taunang Balikatan, dumarating sa bansa ang US forces para magsagawa ng military exercises kasama ang mga sundalo ng bansa at ilang foreign forces observers.

Kaugnay nito, nilinaw ni Rear Admiral Adelius Bordado, chief of AFP Education, Training and Doctrine Command at co-director ng Balikatan na totoong kinakansela na nila ang nasabing pagsasanay, katunayan unang nagpasya nito si AFP chief of staff Gen. Felimon T. Santos pero nauna lamang naglabas ng pahayag ang US counterparts.JESSE KABEL

160

Related posts

Leave a Comment