Sa 2nd part ng state visit ni Pres. Marcos PH-SINGAPORE BUSINESS AGREEMENTS LALAGDAAN

KABILANG sa mga nakalinya sa pangalawang bahagi ng official visit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Singapore ang paglagda sa business agreements ng Pilipinas at Singapore.

Sakop ito ng mga proyekto ng Marcos administration na may kinalaman sa priority projects nito kabilang na ang pagpapatuloy ng proyektong imprastraktura sa nakaraang Duterte administration na Build, Build, Build.

Bukod sa infrastructure, kasama rin sa inaasahang malalagdaan ang business agreements hinggil sa renewable energy, food and security, fertilizer importation at iba pa.

Kahapon dumating sa Singapore si Pang. Marcos Jr.

Kasama niya si First Lady Lisa Marcos, Presidential Son Rep. Sandro Marcos, at mga miyembro ng gabinete.

Samantala, inilarawan namang ‘very productive ang pangalawang araw na state visit ni Marcos Jr. sa Indonesia.

Sa press briefing sa Harris Suites sa Jakarta, sinabi ni Press Secretary Trixie-Cruz Angeles na maraming na-accomplish ang Pangulo sa isang araw.

“It was very productive, extremely so because the President did not expect that the talks between him and [Indonesian] President [Joko] Widodo would progress so rapidly in such a short time,” ayon kay Cruz-Angeles.

Sa nasabing pulong nilagdaan ng dalawang bansa ang apat na kasunduan gaya ng “defense cooperation, cultural cooperation, creative economy, at plan of action para sa bilateral cooperation.” (CHRISTIAN DALE)

152

Related posts

Leave a Comment