COMMUNITY service lang ang parusang dapat ipataw sa mga taong lumabag sa batas at mga alituntunin patungkol sa coronavirus disease-2019 (COVID-19).
Inihayag ito ni Justice Secretary Menardo Guevarra bilang paglilinaw laban sa paghuli at pagkulong sa mga taong lumalabag sa batas hinggil sa COVID-19 at patakaran ng Inter-Agency Task Force (IATF).
Ani Guevarra, ang community service ay nakasaad sa mga ordinansa ng mga pamahalaang lokal.
Idiniin din ng kalihim ng Department of Justice (DOJ), sapat nang parusa ang paglilingkod sa pamayanan tulad ng pagpapawalis sa kalsada sa panahong mahirap mabuhay dahil sa tindi ng patuloy na pananalasa ng COVID-19 kaysa isama pa ang mga nahuli sa kulungan ng mga taong nakagawa ng matitinding krimen.
Ani Guevarra, ipinarating na niya sa IATF ang kanyang “legal opinion” sa naturang isyu. (NELSON S. BADILLA)
231 