Sa dami ng pumapalag BBM NAGPRENO SA PAGPIRMA SA 2025 BUDGET

NAUDLOT ang target date sana para sa paglagda sa 2025 General Appropriations Bill (GAB) upang bigyan ng mas maraming oras at panahon si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa isang “rigorous and exhaustive” na pagrerebisa at paghimay sa batas.

Sa isang kalatas, sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin na wala pang pinal na petsa para sa paglagda ng GAA na may P6.352 trillion national expenditure para sa fiscal year 2025.

“The scheduled signing of the General Appropriations Act on December 20 will not push through to allow more time for a rigorous and exhaustive review of a measure that will determine the course of the nation for the next year,” ang sinabi ni Bersamin.

Kinumpirma naman ni Bersamin na may ilang bagay at probisyon na nakapaloob sa panukalang national budget para sa susunod na taon ang ibe-veto “in the interest of public welfare, to conform with the fiscal program, and in compliance with laws.”

Nauna rito, sinabi ni Pangulong Marcos na nirerebisa pang mabuti ng Office of the President (OP) ang detalyadong bersyon ng 2025 GAB, lalo na ang probisyon na inilarawan bilang “worrisome elements” sa plano sa paggastos.

Winika pa ng Pangulo na maghahanap siya ng paraan para ibalik ang P10 billion na tinapyas mula sa Department of Education (DepEd) para sa 2025.

Samantala, binigyang-katuwiran naman ni Pangulong Marcos ang ‘zero subsidy’ para sa Philippine Health Insurance Corp. sa susunod na taon sabay sabing ang PhilHealth ay ‘no budgetary issues’ dahil sa tinatayang reserba nito na P500 billion.

Matatandaang noong nakaraang linggo, inaprubahan ng bicameral conference committee ang P6.352 trillion 2025 budget bill. (CHRISTIAN DALE)

71

Related posts

Leave a Comment