Sa delay ng rate reset ng NGCP at Meralco EX-ERC COMMISSIONER ALFREDO NON SINABON

BINATIKOS ng mga mambabatas si dating Energy Regulatory Commission (ERC) commissioner Alfredo Non dahil sa pagkaantala ng rate reset ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) at Manila Electric Company (MERALCO), na parehong nakatanggap ng sisi dahil sa umano’y kakulangan ng ahensya na dati niyang kinabibilangan.

Sa isang pagdinig ng House committee on good government and public accountability, kinuwestiyon si Non tungkol sa kawalan ng rate reset proceedings noong siya ay nanunungkulan pa sa ERC, na nagresulta sa lapsed period para sa NGCP at Meralco.

Binigyang-diin ni Cagayan de Oro 2nd District Rep. Rufus Rodriguez na ang ERC ang dapat sisihin sa kakulangan ng rate reset, at hindi ang NGCP at Meralco dahil ang mga ito ay regulated entities na sumusunod lamang sa mga patakaran ng regulator.

“The problem here is the ERC has failed to conduct a timely rate reset. We are barking at the wrong tree if we are faulting the regulated agencies—Meralco and NGCP,” ani Rodriguez.

Ikinalungkot ni Rodriguez ang pampupuntirya sa Meralco lalo na’t sa kabila ng kapabayaan ng ERC na magsagawa ng rate reset sa tamang oras, ay sumunod pa rin ang kumpanya sa utos na mag-refund ng halos P48 bilyon sa mga customer para sa lapsed period.

Lumabas sa pagdinig na hindi sana magkakaroon ng lapsed period kung hindi inupuan ng ERC ang rate reset ng NGCP at Meralco.

Kinuwestiyon naman ni Philippine Rural Electric Cooperatives Association Inc. (Philreca) party-list Rep. Presley De Jesus si Non tungkol sa pagkaantala ng rate reset proceedings, na aniya ay nagsimula lamang noong termino ng dating komisyoner.

“Seven years kayo, ni isang rate reset wala kayong nagawa?” tanong ni De Jesus kay Non.

Hindi rin nagpahuli si Manila City 6th District Rep. Bienvenido Abante Jr. at pinuna si Non sa dahilan nitong nagkaroon ng “error” sa ERC.

Aminado si Non na walang rate reset para sa NGCP o Meralco sa loob ng kanyang pitong taong panunungkulan sa ERC dahil sa isang “pagkakamali” bago pa man siya pumasok sa ahensya.

Sa nasabing pagdinig, inamin din ni Sta. Rosa Rep. Dan Fernandez, na kilalang kritiko ng Meralco, na ang kakulangan ng rate reset ay bunga ng “regulatory failure” at sinabing ito ay “negligence talaga ng ERC.”

5

Related posts

Leave a Comment