Sa gitna ng banta ng Omicron variant ALERT LEVEL 2 HANGGANG DEC. 31

MANANATILI sa Alert Level 2 ang lahat ng lugar sa bansa simula Disyembre 16 hanggang Disyembre 31.

Ayon kay acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na inaprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang rekomendasyon na panatilihin sa Alert Level 2 ang lahat ng lugar sa bansa.

Kasama rin sa pinagtibay ng IATF ang pagpapahintulot ng makapagbukas ang mga sabungan sa gitna ng pagpapatuloy ng Alert Level 2.

Pero pagbibigay diin ni Nograles, 50% maximum capacity lang ang papayagan at ang mga pupunta ng sabungan ay dapat fully vaccinated.

Bawal din ang palitan ng pera at sa halip ay paiiralin ang cashless transaction sa mga “suki” ng sabong.

Sinabi pa niya na dapat ay may go signal ang lokal na pamahalaan para sa posibilidad na muling magbukas ang iba’t ibang cockpit venues.

Samantala, wala nang ilalabas na guidelines ang IATF ukol sa pagsisimula ng simbang gabi ngayong Disyembre 16.

“We already have sufficient guidelines na nailabas na rin po natin so susundin lang po natin iyong mga guidelines na iyan,” ayon kay Nograles.

Sa ilalim ng Alert level 2 ay 50 percent capacity ang pinahihintulutan sa indoor activities gaya ng religious gatherings.

Pitumpung porsiyento naman sa outdoor venue gatherings. (CHRISTIAN DALE)

128

Related posts

Leave a Comment