SA GITNA NG PANIC BUYING MODE NG PUBLIKO PRICE FREEZE PAIIRALIN NG DTI

MAHIGPIT ang panawagan ng  Department of Trade and Industry (DTI) sa sambayanan na huwag mag-panic buying sa kabila ng pagkalat ng COVID-19.

Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, hindi dapat bumili ng maramihan para gawing stock. Tiniyak ng kalihim na may sapat na supply ng pagkain at alcohol sa bansa.

Sumugod ang mga mamimili sa iba’t ibang grocery stores sa Metro Manila kahapon matapos mabanggit ng ilang opisyal ng pamahalaan ang posibilidad na pagsasailalim sa lockdown sa mga lugar

na mataas ang bilang ng may COVID-19.

Samantala, pinaalalahanan ni Lopez ang mga negosyante na huwag magtaas ng presyo dahil ipinatutupad ang “price freeze” kasunod ng pagdedeklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ng public health emergency. JESSE KABEL

294

Related posts

Leave a Comment