Sa harap ng barangay hall TRADER, KASAMA SAPUL SA BALA

QUEZON – Patay ang isang negosyante habang sugatan ang kasama nito matapos na tambangan ng hindi kilalang suspek sa bayan ng Sariaya, noong Lunes ng gabi.

Kinilala ang biktimang napatay na si Ruperto Mabuna Labrague, 42-anyos, habang sugatan naman si Renante Aguila Tisbe, 44, parehong residente ng Barangay Bignay.

Batay sa report ng Sariaya Police, magkaangkas ang dalawa sa motorsiklo na minamaneho ni Labrague at tinatahak ang barangay road patungo sa bahay ni Tisbe.

Ngunit pagsapit sa madilim na bahagi sa harap ng barangay hall, ay pinaulanan ang mga ito ng bala ng nakaabang na suspek.

Tinamaan sa iba’t ibang bahagi ng katawan si Labrague habang nasapul naman sa paa si Tisbe.

Isinugod ang mga ito sa ospital ngunit binawian ng buhay si Labraque habang nilalapatan ng lunas.

Narekober sa crime scene ang mga basyo ng .45 kalibreng baril.

Inaalam pa ang posibleng motibo sa krimen at kung sino ang suspek. (NILOU DEL CARMEN)

126

Related posts

Leave a Comment