Sa impeachment kay VP Inday ‘HUGAS-KAMAY’ NI MARCOS HINDI KINAGAT

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM)

MARAMI ang hindi naniniwala na walang kinalaman si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa inihaing impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.

Nauna nang inihayag ni dating presidential legal counsel Atty. Salvador Panelo na itinanggi lamang ni Marcos ang hakbang upang hindi siya mapagbintangan na siyang may pakana ng impeachment.

“Regardless of the statement of PBBM to Congress not to file the impeachment complaint against VP Sara-she will still be impeached; because that’s the political agenda,” aniya.

“He is only saying that, so he could not be accused of masterminding it. Nothing happens in Congress without the approval of the president. That’s the political reality,”dagdag pa ni Panelo.

Para naman sa political analyst na si Dr. Froilan Calilung, tila naghugas-kamay ang pangulo sa naging pahayag nito na huwag nang pag-aksayahan ng panahon ng Kamara ang impeachment laban sa bise presidente.

Aniya, malinaw naman na kontrolado ng Pangulo ang mayorya ng Mababang Kapulungan.

“Parang Pontius Pilate, he’s washing his hands of the guilt,” aniya.

Kasabay nito, tila binalaan niya ang mga naghahain ng impeachment case na posibleng magdulot sa kanila ng pagkasira kung hindi sila magtatagumpay.

“Itong pagpa-file naman ng Akbayan, kung baga, inaasahan ko ito dahil unang-una, medyo ‘yung makakaliwang miyembro ng Kongreso, they really saw this as an opportunity to get back at Duterte particularly the Former President.”

“They will really try to get something out of it,” aniya.

Ani Calilung, umaasa siya na mayroon talagang pinaghuhugutan ng matibay na ebidensiya ang impeachment partikular ang inihain ng Akbayan dahil kung wala maaaring masira lang ang kredibilidad nila bilang isang puwersang pampulitika.

“And if an impeachment complaint will result into the dismissal sa House committee on justice for lack of form of substance, it could undermine Akbayan’s credibility as a serious political force.

Baka pagtatawanan pa sila rito. Iyong mga kritiko they might accuse the group of rushing the complaint without sufficient evidence or legal grounding,” aniya.

Matatandaang agad naglabas ng pahayag ang Malakanyang na wala itong kinalaman sa planong pagpapa-impeach kay Duterte.

Ang katwiran ni Executive Secretary Lucas P. Bersamin, malinaw na ‘independent initiative’ na ng mga nagreklamo ang naging hakbang na ito at ang pag-endorso nito ay karapatan naman ng sinomang miyembro ng Kongreso.

Aniya, para sa Pangulo, hindi ikagaganda ng buhay ng mga Pilipino ang pag-impeach kay Duterte.

98

Related posts

Leave a Comment