Sa kabila ng pagbaba ng kaso sa NCR CALOOCAN NAGTALA NG 7 COVID DEATHS

PITO ang patay sa Caloocan City dahil sa COVID-19 batay sa pinakahuling ulat ng health office ng lungsod, at pinakamarami rin ang active COVID cases ng siyudad sa kasalukuyan sa hilagang bahagi ng Metro Manila.

Sumipa sa 1,717 ang total COVID deaths sa lungsod noong Pebrero 24 mula 1,710 noong Pebrero 21, habang bumaba sa 117 ang active cases mula sa dating 149.

Pumalo na sa 73,792 ang confirmed cases sa lungsod, at sa nasabing bilang ay 71, 958 na ang gumaling.

Pangalawa naman sa dami ng active cases ang Valenzuela City, na mayroong 57 active cases hanggang 10 pm ng Pebrero 24 matapos na dalawa ang gumaling at pito ang nagpositibo sa coronavirus.

Sumampa na sa 43,674 ang mga tinamaan ng COVID sa lungsod, at dito ay 42,699 na ang nakarekober at mapalad na hindi nadagdagan ang 918 na COVID death toll.

Pumangatlo sa dami ng active COVID cases ang Navotas City na mayroong 27 active cases matapos na tatlo ang gumaling at isa ang nahawa hanggang tanghali ng Pebrero 24.

Tumuntong na sa 21,059 ang nasapul ng pandemya sa fishing capital, at dito ay 20,396 na ang gumaling at swerteng hindi rin nadagdagan ang 636 na namatay.

Wala namang naitalang bagong kaso ng COVID-19 noong Pebrero 24 sa Malabon City at sa kabuuan ay nananatiling 25,305 ang positive cases sa lungsod, 26 dito ang active cases.

Habang tatlo ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling na mula sa Barangays Acacia (1), Baritan (1), at Tugatog (1). Sa kabuuan ay 24,563 ang recovered patients ng siyudad at nanatiling 716 ang bilang ng mga namatay dahil sa COVID. (ALAIN AJERO)

199

Related posts

Leave a Comment