MASUSING nag-iimbestiga ang pulisya kung nagpakamatay ang isang estudyante ng isang kilalang unibersidad matapos matagpuang nakabalot sa plastic ang ulo at may tali sa leeg sa loob ng kanyang sasakyan sa parking area ng De La Salle Medical Health Science Institute sa Brgy. Burol Main, DasmariΓ±as City, Cavite noong Miyerkoles ng gabi.
Kinilala ang biktimang si alyas “Gus”, 24, estudyante, residente ng South Grove Estate Subd., Pasong Buaya 2, Imus City, Cavite.
Ayon sa ulat, hinahanap ng kanyang tiyahin ang biktima dahil hindi pa ito umuuwi sa kanilang bahay
Tinangka nitong hanapin ang pamangkin sa pamamagitan ng GPS na nakalagay sa susi ng sasakyan at natunton na ang sasakyan ng biktima ay nakaparada sa parking area sa loob ng unibersidad.
Bunsod nito, pinuntahan ng tiyahin ang parking area kung saan bumulaga ang biktima sa harapang bahagi ng kanyang sasakyan habang ang ulo nito ay may balot na plastic at may tali sa leeg bandang alas-9:40 ng gabi.
Ayon sa tiyahin, ang biktima ay may history ng mental illness at sumasailalim sa medical treatment.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya hinggil sa sa insidente.
(SIGFRED ADSUARA)
71 