TINIYAK ng Malakanyang na ibaba ang presyo ng COVID swab test sa ilalim ng bagong approach na inilalatag ng pamahalaan laban sa corona virus.
Ito’y bunsod na rin ng ikakasang pool testing kung saan, ang isang PCR testing kit ay kayang paghati-hatian at gamitin ng sampu hanggang 20 indibidwal.
Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque, mula sa dating P3,000 kada salang sa swab test, ito ay maaari na lang bumaba sa P300.
“P300. Kasi there will be ten people using one test kit. So, it’s divided by ten, so it will be P300. So, now anyone can afford to have a test,” aniya pa rin.
Ang bagong hakbang na ito, ani Sec. Roque ay bahagi ng major changes at bagong istilo na ipatutupad ng gobyerno sa harap ng palalakasin nitong massive testing efforts.
At dahil sigurado nang magiging abot kaya ang pagpapa COVID test, kumbinsido aniya silang bababa na ang case reproduction rate gayundin ang case doubling rate.
Mas magiging mabilis na aniya ngayon ang pag a-isolate sa mga nagpositibo at negatibo sa swab test.
“And can you imagine the results, if they are tested, who wants to be tested, we can isolate the positive, as soon we isolate the positive in a massive targeted testing that we are about to embark,
you can see that the R-naught (R0), the case reproduction rate, as well as the case doubling rate will go down dramatically,” pahayag ni Sec. Roque. (CHRISTIAN DALE)
