Sa mga establisimyento SAFETY SEAL GAWING MANDATORY – DOH

INIREKOMENDA ng Department of Health (DOH) sa Inter-Agency Task Force (IATF) na gawing mandatory ang safety seal certifications para maipatupad nang maayos ang tamang bentilasyon sa mga establisimyento.

Ngunit, paglilinaw ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na hindi naman ‘overnight’ o biglaan ang pagsunod sa safety seal ng mga establisimyento na hindi pa handa.

“Not to say na overnight mandatory na, pagtrabahuhan na po natin. Because itong safety seal na ito, nandyan po ‘yung standard for ventilation among establishments, among workplaces, among schools, and even in other settings ina-adopt na po natin ang safety seals,” ayon kay Vergeire.

Ibinibigay ang safety seal sa mga establisimyento na sumusunod sa minimum public health standards laban sa COVID-19.

Iginiit ni Vergeire na napakaimportante ang bentilasyon sa paglaban sa pagkalat ng virus at pagbubukas ng ekonomiya.

“Kapag kayo ay nasa enclosed space, mas nagli-linger longer in the air ang virus. Kaya nga po sabi natin, adequate ventilation is very important… para tuloy ang daloy ng hangin,” paliwanag pa ng opisyal.

Ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG) nasa 45,649 establisimyento pa lang ang naiisyuhan ng safety seal certification sa buong bansa. (RENE CRISOSTOMO)

148

Related posts

Leave a Comment