Sa mga hindi pa bakunado VIRTUAL SIMBANG GABI MUNA

HINIKAYAT ng Malakanyang ang mga hindi pa bakunadong indibidwal na dumalo na lang sa virtual Simbang Gabi o traditional early morning mass.

“Sa mga hindi pa po bakunado, mas mainam po na mag-attend na lang po ng online or virtual Simbang Gabi. Mas mainam po, magpabakuna na po tayo. Ingat po ang lahat,” ayon kay Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles.

Bilang general rule para sa pagdalo sa pre-dawn mass, hinikayat ni Nograles ang church-goers na patuloy na sundin ang minimum public health standards (MPHS).
“Mag-mask po, hugas, iwas pa rin po tayo lalo na nandyan pa rin yung banta ng Omicron variant ,” ang pahayag ni Nograles.

Ang Simbang Gabi ay tumatagal ng 9 araw mula Disyembre 16 hanggang 24, o Christmas eve.

Naniniwala ang maraming Pilipino na sa oras na makumpleto ang attendance sa misa ay mapagbibigyan o magkatotoo ang kanilang kahilingan. (CHRISTIAN DALE)

Ang suspek ay naaresto dakong alas-9:35 ng gabi noong Disyembre 15, 2021 sa O.G. Rd., Lagundi, Mexico, Pampanga.

Si Calara ay may nakabinbing warrant of arrest para sa kasong theft, na inisyu ni Judge Ma. Ludmilla De Pio Lim ng Branch 34, Metropolitan Trial Court, Quezon City, at may itinakdang piyansa na P10,000.

Agad namang ipinagbigay-alam ng mga awtoridad sa court of origin ang pagkakadakip sa nabanggit na wanted person.

“Binabati ko ang ating mga operatiba na tinawid pa ang mga karatig bayan upang matagumpay lamang na maaresto ang ating akusado. Patuloy pa rin nating binabantaan ang iba pang mga akusadong pilit pinagtataguan ang kanilang pananagutan sa ilalim ng saligang batas. Hindi kami titigil hangga’t kayo ay hindi pa rin nahuhuli,” ani P/BGen. Yarra. (JOEL AMONGO)

151

Related posts

Leave a Comment