Sa mga pinagbayad sa remdesivir REIMBURSEMENT HIRIT NI DEFENSOR

KAILANGANG ibalik ang perang ginastos ng mga COVID-19 patient na niresetahan ng remdesivir.

Ito ang pahayag ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor matapos matuklasan na hindi pinayagan ng World Health Organization (WHO) ang remdesivir bilang gamot sa COVID-19.

“Sa lahat po ng pinagbayad ng remdesivir noong kayo ay mag-hospital magmula November 2020, maaari po mag-private message sa akin. Matagal na pong hindi pinayagan ng WHO yan pero ang DOH/FDA natin, patuloy pa rin!” ani Defensor.

“Dapat ma-reimburse kayo dyan! May sakit na binabaon pa sa kahirapan,” dagdag pa ng mambabatas.

Ginawa ni Defensor ang pahayag dahil noong November 20, 2020 ay nag-isyu ng statement ang WHO ng kanilang pagtutol sa paggamit sa remdesivir dahil walang ebidensya na nakagagamot ito ng COVID-19 patients.

Inamin din ng DOH at FDA noong Abril 5, 2021 na inisyuhan nila ng Compasionate Special Permit ang remdesivir base lamang umano sa WHO Solidarity Trial o wala pang kasiguraduhan na nakagagamot ito ng COVID-19.

Gayunpaman, sa kabila nito ay patuloy na ipinagagamit ng DOH ang remdesivir sa mga pasyente kung saan nagkakahalaga ng P28,000 ang bawat vial at dalawang vial ang ibinibigay sa mga pasyente kada araw sa loob ng 3 hanggang 5 araw.

Dahil dito, nababaon sa kahirapan ang mga pasyente dahil pinagbabayad ang mga ito ng P56,000 kada araw o P168,000 hanggang P280,000 sa loob ng 3 hanggang 5 araw.

Ibinaba lang ang halaga ng gamot na ito sa P15,000 nang marami na ang gumagamit ng ivermectin na ang halaga ay P35 bawat tableta at tatlong tableta lang ang kailangan na nagkakahalaga ng P105.

Kung mapatutunayan na hindi nakagagaling sa coronavirus ang remdesivir ay dapat aniyang ibalik ang pera ng mga pasyente kaya nais ni Defensor na makipag-ugnayan sa kanya ang mga pinainom nito nang sila’y maospital.

Base sa mga report, nagkakahalaga lamang umano ng P895 ang bawat vial ng remdesivir sa India kung saan ito ginawa subalit ibinebenta ito ng P28,000 mula noong nakaraang taon.

Hindi pa nalalantad kung sino ang mga taong binigyan ng otoridad ng DOH at FDA na mag-import ng nasabing gamot na isa sa mga nagbaon sa hirap sa mga taong nagkaroon ng COVID-19. (BERNARD TAGUINOD)

105

Related posts

Leave a Comment