Sa mga tinamaan ng COVID-19 5 PATAY KADA ARAW SA PGH

UMABOT na sa limang COVID-19 patients ang binabawian ng buhay sa Philippine General Hospital (PGH) kada araw sa loob ng nakalipas na tatlong linggo.

Sa Laging Handa briefing, sinabi ni PGH Spokesperson Jonas Del Rosario, na base sa kanilang daily census, halos nasa limang pasyente na may COVID-19 ang nasasawi kada araw.

Aniya, umaabot sa pito hanggang sampung COVID-19 patients ang dumadating o naa-admit sa kanilang ospital, at lima sa mga ito ang binabawian ng buhay.

Kung minsan din naman aniya ay “dead on arrival na” o very critical ang kondisyon ng isang pasyente pagdating sa kanilang emergency room kaya talagang hindi na aniya sila nakakaahon at binabawian na ng buhay. (CHRISTIAN DALE)

203

Related posts

Leave a Comment