Sa pagbabakuna ng pribadong sektor SPECIAL TEAM PINABUBUO

IMUMUNGKAHI ng isang mambabatas mula sa Mababang Kapulungan sa Department of Health (DoH) at National Task Force Against COVID-19 (NTF) na bumuo ng special team na siyang tututok at magiging responsable para masiguro at maayos ang layuning makatulong ang iba’t ibang pribadong kumpanya sa vaccine rollout ng pamahalaan.

Kasabay nito ay umapela si Deputy Speaker at Valenzuela City Rep. Wes Gatchalian sa lahat na huwag basta hatulan ang local tobacco at infant formula product manufacturers partikular sa alegasyon na mayroon lamang umanong ibang interes ang mga ito kung kaya pursigido na makabili ng sariling bakuna na panlaban sa kumakalat na virus.

“It is premature at this point to assume that these companies may use the vaccines to promote their products. Let me call the attention of the WHO (World Health Organization) representative to Section 5 of Republic Act No. 111525 wherein it is clear that the vaccines to be procured are for the exclusive use of such companies,” pagbibigay-diin ng House Deputy Speaker.

Ang tinutukoy ni Gatchalian na opisyal ng WHO ay si Dr. Rabindra Abeyasinghe, na nagsabing kaya pinipigilan ang nabanggit na private companies na makabili ng COVID-19 vaccines sa ilalim ng tripartite procurement agreement, ay dahil sa posibilidad na maging daan lamang ito para maisulong ang adbokasiya at interes ng mga gumagawa ng tinaguriang ‘sin products’.

Subalit sagot ng Valenzuela City lawmaker, dapat pasalamatan at suportahan ang inisyatibo ng tobacco at formula milk producers, na kahit hirap at maaaring nalulugi ang negosyo sa gitna ng umiiral na pandemya, ay handang gumastos ng sariling pera sa pagbili ng naturang bakuna alang-alang sa kaligtasan at kalusugan ng kanilang mga empleyado at bawat pamilya ng mga ito.

“Even if they had already incurred huge losses because of the pandemic, they are still prioritizing the welfare of their employees by ordering their own supply of vaccines. And by doing so, they are lessening the burden of the national government by not requesting for allocation,” sabi pa ni Gatchalian.

“It is in their best interest to protect their employees. Napakababa naman ng tingin ng WHO sa mga kompanyang ito. They are even donating 50% to the government so they should even be commended,” dagdag ng kongresista.

Kabilang pa sa suhestiyon ng mambabatas na bumuo ng isang DoH-NTF special team, na ang pangunahing tututukan lamang ay ang gagawing pagbili ng mga pribadong kumpanya ng COVID-19 vaccines at siguruhin na mai-deliver sa bansa ang suplay sa tamang proseso at mas mabilis na paraan. (CESAR BARQUILLA)

168

Related posts

Leave a Comment