Sa pagbagsak ng tulay sa Isabela DESIGNER, CONTRACTOR, DPWH OFFICIALS IKULONG

“MALINAW pa sa sikat ng araw na tinipid ang pagkakagawa ng bumagsak na Cabagan-Sta Maria Bridge sa Isabela para may kumita ng limpak-limpak na salapi!”

Ito ang reaksyon ni ACT-CIS Party-list Representative Erwin Tulfo sa isang panayam.

Aniya, may nakikita siyang korupsyon sa nangyari sa tulay na bumagsak noong Pebrero 27.

“Bakit ka gagawa ng tulay sa probinsya na para sa light vehicles lang? It does not make sense!,” aniya.

Tanong pa ng mambabatas: “Kung mali ang design, bakit nakalusot sa mga engineers ng DPWH (Department of Public Works and Highways)?”

Dahil dito, nais ni Cong.Tulfo na “Ikulong ang mga may pananagutan sa pagkasira ng nasabing tulay para magtanda at hindi na pamarisan”.

Aniya, “mantakin mo, higit P1 bilyon na pera ng bayan ang nasayang lang…tinipid ang pagkagawa niyan para malaki ang kickback ng mga korap at kawatan.”

Sabi na niya, “Ang nakakainis pa rito, mali na pala ang disenyo e, bakit hindi ipinahinto ng DPWH sa kontraktor ang paggawa ng tulay?”

Giit pa ni Tulfo, “natapalan siguro ng contractor ng salapi ang mata ng mga inspectors at supervisors ng DPWH sa lugar na yun kaya lumusot sa government standards ang depektibong tulay.”

10

Related posts

Leave a Comment